Shit.
Shit.
Go and Die now, KB. This is too much.
Alam mo KB, kaya ko pang tanggapin na kaya mo ako hiniwalayan dahil sa Mama mo. Kaya ko pang tanggapin eh. Pero pagkatapos ko tong marinig at malaman? Ayoko na. Ang sakit na. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan. S-O-B-R-A. Paano mo nagawa sakin to? Pinaniwala mo akong iba ka sa mga lalaki. Na Mahal mo ako. Ako at wala ng iba. Ilang beses ko na bang narinig yan sayo? Ang daming beses. Ang galing mo. Napaniwala mo nga ako. Sabihin na nating saglit nga lang yan at matagal na. Pero hindi mo maaalis yung katotohanan na niloko mo ko KB. Saglit man o matagal na, niloko mo parin ako.
Ang sakit sakit na KB. Durog na durog na ako. Naging Loyal ako sayo. Kasi Mahal kita. Ni minsan hindi ako naghanap ng iba kahit tanungin mo lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng mga kaklase ko. Alam nila kung gaano kita ka-Mahal. GANUN KITA KAMAHAL. GANUN!! Pero anong ginawa mo? SHIT. KA.
"Mahal ka parin niya." ... Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako. Hindi ko na alam kung alin ang tama at ang mali. Binigay ko buong tiwala ko sayo. Pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang lahat yun. Ganito ka ba talaga magmahal? Kailangan may lokohan? Pakiramdam ko naging laruan lang ako.
"Kaya hindi ka niya malapitan kasi nahihiya siya sayo. Kasi iniwan ka niya. Dahil sa mama niya. Wala na siyang maiharap na mukha sayo. Nahihiya siya." .. :( Hinihintay kitang lumapit KB. Naghihintay ako..
Alam mo ba? Ang sarap sapakin ng sarili ko. Dahil hanggang ngayon Mahal parin kita. Sobrang sakit na. Pero hindi ko alam kung bakit patuloy parin kitang minamahal. Ang sarap murahin ng sarili ko.
Isa pang chance? Masyado na akong nagbigay ng chance. Tapos nalaman ko pa ito? Mahal kita. Pero pagod na akong masaktan. Nakakapagod. Nakakapanghina.
Shit.