Ang dami ng nagbago. Nung binasa ko yung mga post na nandito, nakangiti lang ako. Kasi naalala ko yung dati. Pero hindi ako nagsisi na sinulat ko yun. Kaya hindi ko siya aalisin. At hindi rin ako nagsisi na minahal ko siya ulit. :) ♥

Yang lalaking yan? Hindi yan sumuko na iparamdam sakin na mahal parin niya ako. Na nagsisisi na siya. Naniwala ako, kasi alam kong totoo. :) Bahala na kung anong sabihin nila. Basta Mahal ko siya. ♥
Hindi ko man masyadong nauupdate to dahil may iba akong blogs at doon ako nagsusulat, susubukan ko. At ayaw kong ideactivate itong blog na to. Hindi ko alam pero, ayaw ko talaga. Kahit alam kong medyo useless na to. Hahahaha.